sa aking pag iisa sa diwa ko'y dumadaloy
alaala ng kahapon sa puso ko'y umaapoy
damdaming nagsasanib sa ningas ng lumalagabgab na kahoy
nagdidiklab, kumikislap, umiinit, nagliliwanag
pagtuloy ng luha sa pagbilis ng pag-agos
sa mga matang halo di maubos ubos
malalim ang pinaghuhugutan
nang damdaming nagtatanong
saan ba nagkamali?
saan ba nagkulang?
nang aking maidugtong
mahaba habang litanya ang ninanais kong ibulong
para masagutan ang damdamin na animo'y maihahalintulad sa bugtong
sadya kayang tayo'y di karapat dapat?
o baka naman sadya lang talagang may umaawat?
pumipigil sa hudyat ng tadhana
upang ating mga puso ay hindi magtugma at mabalewala
pinangarap kitang abutin,
at sa dulo ay pilit kakayanin
sa paghakbang ko,
labing isa
pra sa sampung hakbang para malapitan ka
heto na.
malapit na.
pero sa dulo ay wala ka?
dahil sa paglapit ko
humahakbang ka pala palayo
sa papadating na paa ko.
No comments:
Post a Comment